Mga maalamat na nilalang |
Mga maalamat na bayani
|
Mga katutubong relihiyon |
Portada ng Pilipinas |
Ang anito o anitu ay tumutukoy sa mga espiritu ng ninuno, espiritu ng kalikasan, at mga diyos sa katutubong pambayang relihiyon ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan, bagaman, maaring may ibang kahulugan at ugnayan ang katawagan depende sa pangkat-etnikong Pilipino. Maaring tumukoy din ito sa mga inukit na pigurang mala-tao, ang taotao, na gawa sa kahoy, bato, o garing, na kinakatawan ang mga espiritung ito.[1][2] Kilala din minsan ang anito (isang katawagan na malawak na ginagamit sa Luzon) bilang diwata sa ilang mga pangkat-etniko (lalo na sa Kabisayaan).[3]
Tumutukoy ang pag-anito sa pakikipag-usap sa mga espiritu, na kadalasang sinasamahan ng mga ritwal o pagdiriwang, kung saan umaakto ang isang katalonan (Bisaya: babaylan) bilang isang medyum o tagapamagitan upang makipag-usap ng diretso sa mga espiritu. Kapag partikular na kinakasangkutan ang isang espiritu ng kalikasan o diyos, tinatawag na pagdiwata ang ritwal. Tinatawag din minsan bilang "anito" lamang ang akto ng pagsamba o ang isang sakripisyong pangrehilihyon sa isang espiritu.[1][4][5]
Tinutukoy minsan ang paniniwala sa anito bilang anitismo (Kastila: anitismo o aniteria) sa panitikang pang-iskolar.[2]
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)